Hello! :) So here we go.. After five years of "abandoning" this site, here I am blogging about the end of my college life. Geez! Time flies so fast that I can still remember the days when I'm really excited about going to college :) Hihi.
Actually, wala talaga ako dapat sa PUP. I passed the entrance exam sa UST - Tourism. That's really my first choice. But because of insecurity reasons, I changed my preferred course to Accountancy. My mom said na pagdating sa Accountancy, maganda daw ang PUP. Before, wala pa kong idea about PUP, I don't even know kung saan yun. Hehe. But yun nga, tinry ko din dun, basta ang goal ko lang noon is to study in Manila para maging 'free'. Siguro hindi will ni Lord ang Accountancy sakin, I passed the exam pero nagkaubusan ng slots sa course na yun. And honestly, hindi ko alam kung bakit sa Office Administration ako napunta. Haha. Lumipas ang 1 year and hindi ako natuwa sa course ko, My parents and I decided na mag transfer na ko ng school. Either MAPUA or Adamson sana, pero dahil inincomplete ako ng Socio prof ko (kahit di ko alam kung bakit), hindi natuloy yung paglipat ko ng school. To cut the long story short, tinuloy ko ang BOA sa PUP :) Hehe.
Here's my blog from my multiply account: (forgive me for being so jeje. haha)

See? Ang ligalig ko pa non. Excited kasing maranasan yung "freedom" na feeling ko hindi ko naranasan noong High school. Napaka-childish kasi. Haha.
Here's another blog from my multiply account describing my 1st week as a college student. (Again, forgive me for being so jeje and for being so rude. haha. 4 years ago pa to, nagbago na ko. haha)

Of course I stayed sa isang dorm nung una. I stayed at Villa Francisco Dormitory along Teresa St. So walking distance lang from my school :)

But because of "freedom" reasons again and as well as privacy reasons, my other dorm mates and I decided to transfer to an apartment. Unfortunately, I don't have pictures of our apartment. Pero malayong malayo sa itsure ng dorm ko before :D Haha!
So here we go.. My college life is not that easy. Though "petiks" na yung course namin in a way, compared sa ibang courses, still naging major problem talaga ang mga professors.
But wait, here's my ID. Buti na lang I got the chance na kuhanan ng picture nung 1st year pa ko. Kasi pag ngayon, sobrang blurred na. Haha.

Talking about my acads, 1st year wasn't good to me. Hehe. That was the first time that I've seen a professor who smokes in class (wait, I'm not sure if this was 1st or 2nd year. haha), professors who leave everything to the ST's (student teachers) and ending up guessing grades. So unfair! First time kong na-incomplete sa Socio and then 3.0 sa Marketing! :| Pero it was a good start para makahanap ng bagong friends. True friends! ♥
2nd year was the year na may Accounting subject na kami. And dito ko na-prove na buti na lang pala hindi ako nilagay ni Lord sa Accountancy :) Hihi. Unfair din kasi hindi naman talaga nagtuturo yung mga professors. Pero, okay lang. Siguro kung natuloy ako sa Accountancy, sobrang nerd na ko ngayon. Haha! Dito ko rin na-experience yung prof na namamalo at nangugurot. Yes, physical abuse ang peg! Grr. As usual, hindi mauubusan ng profs na nanghuhula ng grade. Wala ng nakakagulat don. Siguro kung may prof na fair magbigay ng grade, grabe, mapapa-wow talaga ako! Lol. Nag OJT na rin kami, we had our training sa Philippine Postal Corporation, of course with my closest friends na sina Choc at Chu ♥
3rd year was the most heartbreaking year for me. Heartbreaking kasi dito ko na-experience na bigyan ako ng W ng research prof ko. Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit may mga prof na kahit alam nilang di na nila kaya magturo, nagtuturo pa din. Students tuloy nagsusuffer. Ilang beses akong pabalik balik sa school para kausapin prof at ang anak niya. Pinasa ko yung papers na sinabi nila, pero in the end, wala pa din. So nag enroll na lang ulit ako ng subject na yun. Pero syempre, naka-move on na ko dyan. Haha! Dito din may prof na gustong laging naka-make up at naka-heels. Pero meron ding cute na prof tulad nila Ma'am Luna at Ma'am Curato :) Hihi ♥ Dalawang OJTs din meron sa year nato. First sa St. Luke's Medical Center, then nung second sem sa Mandaluyong City Hall (Legal Department).


4th year. Last year. Nakaka-pressure, pero slight lang pala. Haha! Nag-eexpect ako na magiging haggard at sobrang busy kami dahil last year na, pero hindi din naman pala. Though may times na naging busy din naman kami, overnight para sa website, defense at feeding program sa isang araw, etc. Last OJT namin nung 1st sem, sa school lang rin. Sa Office of Scholarship and Financial Assistance (OSFA).

This year is also a memorable year for me. Inassign ako ni Lord to be an officer ng Radical Youth Movement! Such a wonderful blessing! Room to room evangelism, Bible study, seminars, etc. Campus ministry is ♥! :)
College life may be stressful, pero masaya pa rin syempre pag andyan ang friends mo :) Nakilala ko kung sino ang mga totoo kong kaibigan. Those who'll never leave you kahit ano man pinagdadaanan mo. Tho who'll also bring you closer to God :)
Thank you Lord for sustaining us! Thank you for being there for me, for being faithful to me. A thousand times I've failed still Your mercy remains! Thank you for guiding me throughout these years! The glory goes to You alone!! I love You more and more each day! ♥

BOA CT 4-4D Batch 2012 ♥
No comments:
Post a Comment