Last week, March 20, 2012, parang naging roller coaster ulit ang buhay ko.
Tuesday. Lumuwas ulit ako ng Manila dahil may class kami sa E-learning. Kahit na ipapasa lang yung project, syempre attendance din. Ang aga aga kong lumuwas kasi natatakot ako ma-late. Pero pagdating dun, waley. Hindi rin pumunta yung prof. Wala din yung awarding of certificates sa coop, di natuloy. So, nasayang lang yung pagluwas ko.
Yung mga friends ko, nagyaya pumunta ng SM. Pero hindi ko alam kung bakit, na-sense ko na kailangan kong umuwi ng Bulacan.. Gusto kong umuwi.
Nung nasa bus na ko, nagtext na lang si Kim, yung pinsan ko, at sinabing sobra daw yung sakit ng likod ni Mama. Andun daw silang lahat sa bahay namin. Naiiyak na daw si Mama sa sobrang sakit. Hindi siya makakilos. Nagpapadala na daw sa ospital. Kilala ko si Mama, hanggang kaya niyang tiisin, hindi siya magpapa-confine. Pero iba to eh.
Yung heartbeat ko ang bilis. Hindi ako mapakali habang nasa bus ako. 1 hour and a half pa ang kailangan kong hintayin para makauwi. Nag-pray ako kay Lord. Sabi ko sana kung ano man yung pain na nararamdaman ni Mama nung time na yun, sana mawala.. Or sana mabawasan :(
Pag-uwi ko samin, nakita ko si Mama. Nakahiga. Hindi siya makabangon. Masakit daw likod niya. (Sa mga hindi nakakaalam, na-operahan si Mama sa breast and sa spine. Breast cancer, Stage 2 dapat, pero since nag-metastasis sa spine, napunta sa spine yung bukol, naging Stage 4. So 2 major operations ang ginawa sa kanya within a day! Galing ng Mama ko no? Galing ni Lord eh!) Pero yun nga, may something daw ulit sa spine niya. And kitang kita talaga na hirap na hirap siya. Ang sakit sa puso na makita siyang ganon :|
So ayun, napagdesisyunan namin na ipa-confine na nga lang siya. Dapat dun kami sa talagang doctor niya sa San Juan de Dios, kaya lang out of the country daw yung doctor kaya dun na lang kami sa isa pa niyang doctor sa UDMC. Nag-rent kami ng ambulance para mas mabilis kami makarating. (Na-enjoy ko yung ambulance experience na yun, infairness! :D)
Pagdating sa hospital, pinuntahan na namin agad yung doctor niya. And yun nga magpapa-admit na siya. Humanap kami ng room ng tita ko, and nag-ayos ng ibang bills. Nung nasa room na kami, umuwi na yung dalawa kong tita kasi syempre may mga pamilya din sila. Kaming dalawa lang ng kapatid ko ang naiwan. Kami ang bantay. First time.
Sabi ng doctor niya, kailangan daw niya i-MRI para makita kung ano ang mali sa likod niya. Ilang oras kami naghintay sa room, pero gabi na din siya na-MRI. Ang ineexpect ko talaga idedextrose siya, para mabigyan din siya ng pain killer, pero wala. Bat ganon?! Nakaupo lang siya sa wheel chair. Yung pain killer na dala namin galing sa bahay (na hindi naman effective), yun lang din yung pinainom kay Mama. So parang nasa bahay lang kami diba?! Nun pa lang, medyo nag-iba na yung mood ko. Naiinis na ko kasi walang ginagawa yung mga nurse.. Haaay! :(
So yun nga, naka-schedule na siya ng MRI. Sinamahan ko siya hanggang dun sa baba. Eto na, nun ko lang nalaman na pag MRI pala flat na nakahiga lang for more than an hour. Hindi ba alam ng doctor yun?! Sinabihan na siya na hindi nga kaya ni Mama mahiga ng flat at matagal tapos ganon pa papagawa sa kanya?! Kung binigyan man lang siya ng pain killer bago gawin yun diba?! Grabe! Sobra na!!!
Habang hinihintay ko siya sa labas, I was talking to God.. Sabi ko kay Lord na Siya na bahala kay Mama. Alam kong di naman Niya papabayaan si Mama. May plan Siya kung bakit nangyayari yun ngayon. I just have to trust Him.
After nung MRI, ayun na. Sobrang sakit na ng likod ni Mama. Hindi siya makabangon :( Nanlalamig na siya sa sobrang sakit. Nagpatawag ako ng nurse. Nanghihingi ako ng pain killer. Hindi namin alam kung saan ba siya isasakay, kung sa stretcher ba o sa wheelchair. Haay! Naiiyak na ko nun. Hirap na hirap na si Mama. Siguro 1 hour kaming nagtagal dun. Hindi namin siya maitayo. Hanggang sa nag-decide yung isang lalaking nurse na buhatin siya. Though super sakit nun, pero at least 5 seconds lang daw siyang bubuhatin. So after nun, sa wheelchair na lang siya sinakay kasi masyado daw matagtag yung stretcher. Baka mas lalong sumakit yung likod niya.
After nun, pagbalik sa room, ayun na! Boom! Super sakit na talaga ng likod niya. Pumunta ako sa nurse's station para humingi ng tulong pero wala silang magawa. Bakit ganon?! :( Umiiyak na si Mama sa sakit, at napakahirap sa part ko nun kasi wala akong magawa. Tinapalan ko na lang siya ng anion na liner sa likod na bigay sakin ng bestfriend kong si Jovit. Buti na lang binigyan niya ko nun! Di ko alam kung ano talaga benefits nun pero may negative ions daw yun na nakakatulong sa katawan. Basta parang ganon. Since wala rin naman akong ibang alternative na pampaalis ng pain, yun na lang ginawa ko. Nilagyan ko siya dun sa mga parts na sumasakit. Weird lang tingnan kasi liner yun, pero okay lang basta makakatulong kay Mama. Pati yung water na iniinom niya, nilagyan ko ng anion. Somehow, medyo nabawasan. Thank God! Pero andun pa rin yung pain. Buti na lang dumalaw si Ate Rosan at ang inaanak kong si Jarred :) Malapit lang kasi house nila dun sa hospital kaya dumaan sila. Super cute ni Jarred at nakaka-nosebleed kausap kaya medyo naaliw si Mama. Hehe. Bumili ako sa labas ng dinner and pinainom siya ng gamot after.
Nung umalis na sila, kaming dalawa na lang ulit ng kapatid ko ang bantay. Buti na lang nagtext si Jovit na kung gusto ko daw bang pumunta siya dun sa hospital after ng work niya para magbantay din at makatulog naman daw ako. (English tutor kasi siya sa Koreans - part timer) Pumayag na ko, and kailangan rin siya ni Mama kasi kailangan talaga ng man power. Lalo na pag mga buhat na. Yung kapatid ko kasi medyo childish pa. Mahirap utusan kahit na para kay Mama naman yun. Haay! Nagdala siya ng dvd at tattoo para naman daw may magawa rin. Akala ko naman kasi may wifi, sayang tuloy laptop. Hindi ko ma-update si Papa. So ayun, nagbantay lang kami. Ang hirap. Walang tulog. Kailangan samahan si Mama pag pupunta sa cr, pag tatayo. Pag masakit likod kailangan hagurin yung likod niya kasi wala namang maibigay na pain killer yung mga nurse. Ang tagal na namin sa room pero hindi pa rin siya binibigyan ng gamot. Ang galing diba?! Tss. Super disappointed ako sa service nila. Nung madaling araw na, hindi na talaga kaya ni Mama. Hindi siya makatulog sa wheelchair. Wala din ako mahanap na nabibilhan ng neck comforter. Gusto daw niya mahiga. Wala na daw siyang pakialam kahit super sakit basta daw makahiga siya. Magpapabuhat na lang daw siya kay Jovit pag di na niya kaya. Kinabukasan, yun nga. Pahirapan yung pagbangon. Binuhat na lang siya ni Jovit ng biglaan para makabangon at mailipat sa wheelchair. Walang nurse na mag-aassist eh. Ang galing ng ospital diba?!
After nun, nakatext ko na si Nanay Dg, inupdate ko siya sa mga nangyayari. Still thankful to God kasi may lifegroup ako. May lifegroup leader ako na handang ipag-pray ako. Nandyan para i-encourage ka at palakasin loob mo. So if ever mabasa mo to Nay, thank you so much! Loveyou po! :)
Hiningi ko rin sa kanya number ni Ate Joan kasi natatandaan ko yung barley. Naisipan ko na umorder kasi baka makatulong kay Mama yung barley. Nakita ko rin sa internet na maganda yung benefits nun sa katawan and sa isang cancer patient. Buti na lang may stock pa si ate :) Kaso dalawa na nga lang. Pero okay na yun. Buti rin andyan si Jovit, siya kumuha ng barley sa Sta. Mesa kasi hindi ko maiwan si Mama. Walang magbabantay. Hindi naman pwede na yung kapatid ko lang. Pinainom ko si Mama ng 1 bottle and nakatulong naman siya. So if ever mabasa mo din to Ate Jo, thank you din po ah! Super laki ng tulong ng barley :) And sa prayers na din po :)
May pasok na si Jovit ulit kaya kailangan na niyang umuwi nung hapon. If ever mabasa mo din to, super thank you! The best ka! Kahit biglaan kaya mo gawan ng paraan makatulong lang :D Super friend! Siya yung walang tulog talaga. Pinatulog niya ko at siya muna nagbantay. Kahit na pagod siya sa work. Waah! Blessed to have you! ♥
The next day, pinainom ko ulit siya ng barley, ayun medyo okay na siya. Nakakatayo na siya ng mas mabilis. At nabawasan daw yun pain. Thank you Lord! :) Ang saya!! After din lumabas ng result sa MRI, nakita na parang may fracture sa ribs niya. Pero ang nakakapagtaka, sa lover part ng likod niya yung sumasakit. So sabi ng doctor ipa-xray naman daw. Ayun, sumakit ulit likod ni Mama dahil nangawit. Back to zero ulit :| Haaay!! Buti dumating yung isa kong pinsan na si Kuya Mac, kahit papano may nakatulong ako.
To cut the long story short, walang ginawa yung hospital kung hindi pasakitin at palalain yung sakit ng likod ni Mama. (Sorry ah, pero yun talaga ang naramdaman ko) Akala ko nung nagpunta kami dun, kahit papano may matutulong sila, kaya nga tinawag na hospital diba. Pero wala. Super nakakadisappoint. Umuwi kami ng ganon din. Walang nakita sa results. Kaya nagpa-consult pa ulit sa ibang doctor. Nasayang lang binayad namin.
Physically tired. Stressed. Walang tulog kasi lagi kong binabantayan si Mama lalo na pag nagigising siya dahil sa sakit. Lalagyan ng mainit na tubig yung hot water bag niya para ilagay sa likod. Papalitan ng liner yung likod niya. Papainumin siya ng tubig na may anion. Sasamahan pumunta sa cr. etc. etc. etc.
Up to now, may pain pa rin. Pero I trust God's healing hands. Alam kong hindi niya papabayaan si Mama. Natutunan ko na may mga bagay na hindi talaga natin control. Actually dapat talaga hindi tayo ang mag-control. Ang dali kasing sabihin na, "Lord, I surrender everything to You." Pero in the end, hindi naman pala talaga. Honestly, ang hirap talaga i-surrender lahat lalo na pag may mga bagay na gusto mo masunod ang mga sarili natin. Selfish. Pero iba ang "Total Surrender". I-surrender lahat kay Lord kahit na ano pa man ang mangyari. It should be His way, not our way. God is our only Healer. Sobrang test of faith sakin tong nangyari. May mga times na super umiiyak na lang ako kasi hindi ko na kaya at hindi ko na alam gagawin ko. Mali eh, mas naging malaki yung challenge/problem kaysa sa faith. Para saan pa at hindi ko din nagamit yung code ko na: Faith Over Reality. We should let our faith be bigger than our fears. Kahit gaano pa kalaki yung problem, mas malaki pa din si God dun! And yun nga, fight lang! :D
"The Lord will fight for you, you only need to be still." - Exodus 14:14
"Nothing is impossible for You.. You hold my world in Your hands." - Healer, Hillsong